POST #19: Ako’y mangmang sa kinabukasan

Sa bawat kabanata ay may sariling panimula at pangwakas. Maging ito’y masayan’g hangganan man o ‘di man lubos na kasiyahan ngunit nananatili parin yaong bagkos ng ala-ala mula sa simula hanggang sa wakas. Bagong pag-ahon mula sa alon ng kahapon.

STEPS o mga hakbang patungo sa kinabukasan ay may iba’t ibang uri ng pagbabago or CHNAGES, maraming mga paniniwala, maraming ebubuhos, maraming titiisin, at maramen’g marami ang dadating.

SIMULA ng di ko nasamsam yaong kinabukasan na gusto ko ay nagbago ng ang Lahat. Maging esperitwul na aspeto ng aking buhay ay nabawasan. Di ko lubos maisip na kung bakit ito’y nangyari pa, akala ko yao’y isang matuwid, tama, at masmasayang paglalakbay ang aking gagawin. Ako’y nawalan ng pagasa noong sinibi ng isang Dean sa isang Adventist School dito sa Pilipinas na di muna sila tatanggap ng 1st Year Nursing Student. Gumuhu ang aking pagasa. Ako’y isang adbentista or Adventist na may kalawakang aspeto sa esperitwul at maytakok at pagmamahal sa Diyos. Pinili kong wag nalang sayangin ang pera sa te-take ng entrance exam sa iba’t-ibang Unibersidad, sapagkat mayroon na akong pinupusuang paaralan at alam ko’y ITO’Y TAMA at HINDI NAGING MALI.

SAPAGKAT, may mga bagay talagang ‘di lubos kinakaya, di saklaw ng aking AKALA. At may mga bagay na MAS MAGANDA AT MASIYA KAYSA SA AKING INAAKALA. May ibang plano ang DIYOS na gustong bagohin sa akin, ngunit di parin ako nasisiyahan seguro nga’y dahil di ko talaga tinatanggap dahil hindi rin naman ako masaya.

I WILL FIGHT FOR IT. NO MATTER WHAT HAPPENS. Seguro nga’y gustong subukin ang aking mga katagang naisumbat, sabi nga nila wag raw sabihin yaong plano malayo pa sa kinabukasan sapagkat ang aking kaaway na lagi akong ginagawan ng paraan para ako’y sumuko mula sa ipinangakong PANGARAP.

PANGAKO ko ay aking tutuparin, marami mang pagbabago na hindi saklaw ng aking plano ay aking ibubuhos nalang sa pagiyak ngunit ako’y tatayo naman at aking kakayaning ibabangon muli ang aking sarili. Hindi man kayang takbuhin ang aking paglalakbay sa aking paraiso ngayon, gagapang muna ako sapagkat aking aalamin kung paano ba talaga lakarin ang aking makakasalimuhan’g mga pagbabago,.bago ito takbuhin.

Mas mabuti ang ngayo’y maging matatag kesa sa magpakatatag kung saan kailangan na ng masmalawak na katatagan.

AKO’Y MANGMANG SA AKING KINABUKASAN. Dahil di ko hawak ang aking buhay, tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam kung papaano gawin ang lahat ng bagay, at ako naman ay kikilos mula sa kanyang mga utos. Sapagkat ito ang tama na laging tama, na hindi kailan man magiging MALI at pagsisihan ng isang AKO. Ang PLANO ng Diyos ay masmaganda.

God’s plan is Better and Perfect. SALAMAT.

😉

Leave a comment